Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.



 
HomeLatest imagesRegisterLog in

 

 Inuman tips 101

Go down 
3 posters
AuthorMessage
snipes
Schutzstaffel
Schutzstaffel
snipes


Male Number of posts : 514
Age : 46
Location : Australia
Job/hobbies : airsoft, motocross, mountaineering, digital photography
Registration date : 2008-04-30

Inuman tips 101 Empty
PostSubject: Inuman tips 101   Inuman tips 101 I_icon_minitimeTue Sep 30, 2008 11:24 am

Para sa kaalaman ng lahat.

Etiquette sa inuman- basahin at matuto
Sa inuman:
1. Pag abot ng baso- 3 minutes ang pinakamatagal na pag hintay. Mag
bigay ng konsiderasyon sa mga ibang umiinom- sundin ang gintong
kasabihan
"Dibale ng magtagal sa k**s at s*s* wag lang sa baso"
2. Pag tapos tumagay - ibalik sa tanggero ang baso- tinagayan ka na,
baka naman pedeng ibalik mo sa kanya. hindi ka prinsipe.
3. Ang chaser ay panawid lasa- hindi panawid uhaw. dun ka sa gripo
lumaklak kung kakatapos mo lang mag gym.
4. Iwasan ang magtapon ng alak. binabayaran yan. Di ka pa nga ata nag
ambag...aaksayahin mo pa..tigas ng mukha mo tlga ever..hehe..
5. Siguraduhing magaambag ka sa inuman- tigas mo naman kung makiki-
inom ka ng libre- pede ka lang malibre kung nilibre ka nila o niyaya
ka kahit sabi mong wala kang pera

Sa Pulutuan:

1. Una sa lahat, ang pulutan ay panawid pait, hindi panawid gutom-
kumain ka sa inyo kung gutom ka. wag kang kung-fu kid! haha
2. Pag ginagamitang tinidor, huwag mong kakamayin- para kang walang
pinag aralan.
3. Pagkain ng isda, hindi binabaliktad- sabi nila sa mga marino
galing ang istilo na to para hindi tumaob ang barko.
4. Huwag mag reklamo kung ano ang nakahain. tandaan hindi to fiesta,
inuman to.
5. Ang tinik,buto at mga parteng hindi makakain ilagay sa tabi- huwag
kang baboy.
Kung hindi ka tanggero, guitarista at birthday boy/girl- pede kang
magluto at tumulong sa iba pang gawain sa inuman. hindi ka pinanganak
na senyorito, kung pakiramdam mo hari ka- dun ka sa kaharian mo
maginom

Asal sa Mesa :

1. Kung isa lang ang tinidor, huwag mag inarte- Koboy dapat. inuman
to- hindi sosyalan,
2. Sa kuwentuhan, alam na namin na kayo ang pinaka-siga, maraming
chicks, mayaman, maporma at pinaka magaling sa lahat ng bagay. Huwag
mo ng ikuwento.
3. Pagbisita ka, makitawa sa mga joke nila- makihalubilo, aalukin ka
nila ng ilang beses pero huwag mong abusuhin- hindi ka sanggol.
4. Huwag rin masyadong pasikat- ok lang magkuwento pag dayo ka- huwag
ka lang kupal.
5. Huwag na huwag mambabara kung bisita ka. Pede lang mambara kung
kupal ang binara.
6. Irespeto ang opinyon ng iba, tulad ng pagrespeto mo sayo.
7. Pag hindi na kaya- pwedeng pumas- huwag maging pasikat - kupal ang
dating mo non.
8. Magpatawa ka para masaya- kung mang aasar ka sa tropa sigraduhin
nakakatawa, hindi panlalait. Konsiderasyon sa bisita.
Ang pagiging siga ay hindi masaya sa inuman.
9. Huwag makipag sabayan. Buraot ang alagaing lasing.
10. Bigyan ng pugay ang nagpainom at may birthday - wag kang agaw
eksena.
11. Goodtimes lagi.

After ng Inuman:

1. Ugaliing tumulong magligpit.
2. Kung di na kaya humiga sa isang tabi
3. Kung di tumutulong magligpit - huwag makulit.
4. Huwag kalimutan magpaalam sa nag painom at mga kainuman.
5. Kung aalis sa kalagitnaan ng inuman, gawing habit ang magiwan ng
pangambag.

Suka Tips:

1. Pag naduduwal na, kumuha ng matamis para may pangsabay sa bibig
pag naglalaway na.
2. Huwag magyoyosi pagnasusuka na, iba ang epekto ng usok sa tyan pag
nakainom.
3. Pag nakakaramdam na ng suka, tumayo agad at dumiretso sa
pinakamalapit na sukahan- (banyo, inodoro.)
4. Magmumog lagi pagkatapos sumuka- kadiri bibig mo brad.
5. At kung plano pang bumalik sa mesa- siguraduhing malinis ang
itsura. Para di ka itaboy.

Tanggero Tips:

1. Bilang punong naatasan sa pag pasa ng tagay, siguraduhing kumpleto
ka ng gamit tulad ng:
tabo ng tubig (pangbanlaw ng baso pag beer ang iniinom) pambukas, at
lighter.
2. Ang obligasyon mo ay ipasa ang tagay sa lahat ng manginginom, mga
nagambag - alukin ang lahat ng bisita.

Sa Mga Manginginom:

1.Pakunsuwelo sa mga nagpainom at tanggero, alalayan sila tulad ng
pag replenish ng yelo, pulutan, pagbili ng pulutan at pagpapalit ng
music kung walang nakaatasang dj.
2. Ipanatiling masaya ang inuman, makinig sa sasabihin ng iba kung
drama, at mag saya para makalimot sa problema-

Mabuhay ang mga manginginom! !!
Back to top Go down
anubis
Senior Striker
Senior Striker
anubis


Male Number of posts : 143
Age : 43
Location : mandaluyong
Job/hobbies : lawyer/ airsoft, lomography, nintendo, bass guitar
Registration date : 2008-05-18

Inuman tips 101 Empty
PostSubject: Re: Inuman tips 101   Inuman tips 101 I_icon_minitimeTue Nov 04, 2008 7:55 pm

Copy sir farao
Back to top Go down
zeus001
Administrator
Administrator
zeus001


Male Number of posts : 646
Age : 47
Location : Pasig
Job/hobbies : airsoft
Registration date : 2008-04-26

Inuman tips 101 Empty
PostSubject: Re: Inuman tips 101   Inuman tips 101 I_icon_minitimeWed Nov 05, 2008 1:39 pm

SNIPES...print mo na bro!!! dalhin mo sa sabado!
Back to top Go down
Sponsored content





Inuman tips 101 Empty
PostSubject: Re: Inuman tips 101   Inuman tips 101 I_icon_minitime

Back to top Go down
 
Inuman tips 101
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: First Strike :: Generel Non-Airsoft Discussion-
Jump to: